Naging laman ng mga balita kamakailan ang isdang "stonefish" matapos itong gamitin ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte bilang palayaw ng bago niyang baby na si Marko Digong.

Hango rin sa mga isda ang palayaw ng dalawa pang anak nina Mayor Sara at Atty. Manases Carpio, na sina Sharky at Stingray.

READ: Inday Sara, Stonefish ang ipinangalan sa bagong baby

Sa programang "AHA!" ni Drew Arellano, ipapaliwanag kung bakit dapat maging maingat at hindi basta dapat hawakan o aapakan ang naturang isda na maaaring mapagkamalang bato sa ilalim ng tubig. Panoorin.

 

Click here for more of News and Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News