Ginahasa umano ng kapitbahay ang tatlong taong gulang na batang babae sa Cabanatuan, Nueva Ecija, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa "Balitanghali."

Kinuha umano ng lasing na suspek na kinilalang si Ariel Viquierra ang bata mula sa kanyang tirahan at dinala sa ibang bahay.

Pagkalipas ng ilang minuto, sinundo na ng nanay ang bata.

Habang pauwi, napansin ng ina na may dugo ang pambabang damit ng anak.

Paliwanag ni Viquierra, na kainuman ng ama ng biktima, nakagat daw ng aso ang bata kaya dinugo.

Taliwas naman ito sa resulta nang ipa-checkup ang bata.

“Ang naging resulta po ay postive, na-rape po," sabi ng opisyal ng barangay.

Inireklamo na dati ang suspek dahil sa paglalasing.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya  si Viquierra, habang nagpapagaling naman ang batang na-trauma sa nangyari. —Joviland Rita/ LDF, GMA News