Buhay pa rin para kay Claudine Barretto ang mga alaala ng yumaong aktor at matinee idol na si Rico Yan, na may kaarawan nitong Marso 14.

Sa kaniyang Instagram, inilarawan ni Claudine si Rico bilang kaniyang "My luv & my Life.always & forever."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My luv & my Life.always & forever ????????????????

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on


Apatnapu't apat na taong gulang na sana si Rico ngayong taon.

Nag-post din ng mensahe si Claudine kung saan sinabi niyang lagi niyang inaalala si Rico, hindi lang sa larawan kundi maging sa kaniyang puso.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

In my heart every single day RY

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on


"In my heart every single day RY," kaniyang caption.

Matatandaang pumanaw ang aktor noong Marso 29, 2002 dahil sa bangungot o "acute hemorrhagic pancreatitis," habang nasa bakasyon sa Dos Palmas Island Resort sa Palawan.

Naging tanyag ang tambalan nila ni Claudine on and off-cam, dahil na rin sa kanilang mga serye at pelikula.

Noong death anniversary ni Rico noong 2015, inihayag ni Claudine na "nightmare" para sa kaniya ang Marso 29. — Jamil Santos/MDM, GMA News