Inilabas na ang full trailer ng pelikulang "Family History" na tatalakay sa buhay isang pamilya na tiyak na marami ang makaka-relate, ayon na sa naunang pahayag ng mga bida ng pelikula na sina Michael V. at Dawn Zulueta.
Sa trailer, makikita na ang problemang pinagdadaanan sa pagsasama ng mag-asawang karakter nina Bitoy at Dawn kahit tila maganda naman ang kanilang buhay.
May patikim din tungkol sa pagkakaroon ng sakit ng isa sa kanila, na sadyang nangyayari din naman sa tunay na buhay.
Ang "Family History" ay sa direksyon din ni Bitoy, at ni-release na ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.
Tampok din sa pelikula sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, at maraming guest stars.
Kasabay ng world premiere ng full trailer ng kanilang pelikula, nagpasaya rin sa back-to-back mall show ang mga bida ng pelikula.
Ipalalabas sa mga sinehan ang "Family History" sa July.-- FRJ, GMA News
