Sa programang "Pinoy MD," sinagot ni Dr. Raul Quillamor, OB-Gynecologist, ang mga katanungan ng mga babae tungkol sa kanilang kalusugan. Normal nga lang ba ang pananakit ng tiyan ng buntis kapag malamig ang panahon, at may kinalaman ba ang irregular menstruation sa pagiging "sexually active."
Ipinaliwanag din si Dr. Quillamor na ang malansang amoy ng maselang bahagi ng katawan babae ay palatandaan ng impeksiyon dulot ng bacterial vaginosis, na dapat nilang ipasuri sa eksperto. Panoorin ang buong talakayan sa video na ito.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
