Timeout muna sa kababalaghan ang sikat na paranormal investigator na si Ed Caluag dahil maghahatid muna siya ng saya sa mga manonood ng Kapuso sitcom na "Daddy's Gurl" nina Vic Sotto at Maine Mendoza.
Tutulungan ni Ed si Barak [Vic] para hanapan ng kasagutan ang mga kababaghan na hinihinalang nangyayari sa kaniyang negosyong "Starbaraks."
Bukod kay Ed, makikisaya rin sa naturang episode ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis.
Alamin at tuklasin ang misteryo at tawanan sa episode na ito ng "Daddy's Gurl" sa August 3, pagkatapos ng 'Pepito Manaloto.' (Photo by: Daddy's Gurl) --FRJ, GMA News



