Isang 15-anyos na lalaking nanghuhuli ng isda sa Balabac, Palawan ang nasawi matapos siyang sakmalin sa batok at tangayin palayo sa kaniyang mga kasama.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Romilo Sappayani Miranda, na ikatlong biktima ng pag-atake ng buwaya sa Balabac ngayong taon.
Kuwento ng kaniyang tiyuhin, nangingisda sila ng biktima kasama ang dalawang iba pa sa Sitio Bual sa Barangay Indalawan, nang sakmalin ng buwaya si Romilo sa batok at tinangay palayo.
Matapos ang isinagawang search and rescue operation ng mga awtoridad, bangkay nang nakuha ang biktima.-- FRJ, GMA News
