Tila ramdam na ramdam na ang Kapaskuhan sa "Eat Bulaga!" dahil sa disenyong higanteng Santa Claus sa harapan ng APT Studios. Si Santa, nakasuot na rin ng face mask at face shield bilang paalala na mag-ingat pa rin sa COVID-19.

Sa Instagram ng Eat Bulaga, makikitang nakipag-selfie na si Maine Mendoza kay Santa, at kailangan pa niyang umakyat ng footbridge para makunan ang kabuuan nito dahil sa laki.

 

Bukod kay Santa, tila naging isang malaking Christmas gift na rin ang AFT Studios dahil sa green ribbon.

Dahil sa COVID-19 pandemic, ipinagbawal muna ng programa ang pagpasok ng live studio audience.

Nagpasalamat naman ang netizens sa Eat Bulaga sa patuloy nitong pagpapasaya sa mga tao sa kabila ng pandemya.

"Thank you so much for still choosing to celebrate the season, di nyo po alam gano nyo pinasasaya ang mga netizen by such simple gesture.. you give us hope and show us faith na this too shall really pass.." saad ng isang netizen. —LBG, GMA News