BORACAY ISLAND, Aklan—Aabot sa 11 na mga bahay ang nasira sa sunog na sumiklab sa Sitio Sinagpa, Barangay Balabag sa island resort nitong hating-gabi ng Martes.

Kaagad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Boracay at ng Boracay Action Group, Boracay Rescue and Volunteer, at iba pang grupo.

Kanya-kanyanf salba ng kanilang mga gamit ang mga residenteng apektado ng sunog.

Batay sa pagtataya ng BFP, aabot sa P300,000 ang halaga ng nasirang mga kabahayan.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. —LBG, GMA News