Nag-welcome si Gabby Eigenmann sa bagong miyembro ng pamilya Eigenmann na si Baby Koa, anak ng kaniyang kapatid na si Andi.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita na nag-post si Gabby ng larawan ni Baby Koa at hindi niya naitago ang excitement na makita ang bata.

"Koa!!! Welcome to the fam.." caption ni Gabby.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Andi na na-meet at nakarga na ni Ellie ang kaniyang nakababatang kapatid.

Isinilang ni Andi ang "little island boy" nila ni Philmar Alipayo noong Enero 17.

Engaged na si Andi kay Philmar at may isa pang anak na si Lilo.

Anak naman ni Andi si Ellie kay Jake Ejercito. -Jamil Santos/NB, GMA News