Dahil sa pagkatakam sa mga Korean recipe, naisip ng isang vlogger na pagsamahin ang staple food sa Korea na kimchi sa Pinoy classic na sinigang para maging kakaibang dish na "Kimchinigang." Papasa kaya ito sa panlasang Pinoy?

Sa IRL, ikinuwento ni Fred Villena na hinahangaan niya ang mga Korean sa pagtampok nila sa kanilang kultura sa pamamagitan ng pagkain.

Kaya naman sinubukan niya ang Korean-Pinoy fushion nang i-partner ang sikat na Korean side dish sa Pinoy all-time favorite.

Screencap from IRL video of Fred Villena
Screencap from IRL video of Fred Villena

Bukod dito, pinagsama rin ni Fred ang kimchi at Pochero na naging "Kimchero."

Ito ang kaniyang naging strategy para sa kaniyang kimchi business.

Paano nga ba lulutuin ang kimchinigang, at pasado kaya ito sa panlasang Pinoy? Alamin sa IRL sa video.

 

—LBG, GMA News