Sa kulungan ang bagsak ng isang barangay tanod na most wanted sa Pandacan, Maynila dahil sa kasong pagpatay.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, kinilala ang suspek na si Edgar Gutierrez, na dinakip sa kaniyang bahay.
Sinabi ng pulisya na 2019 pa nang isagawa ang pagpatay umano sa isang alyas "Jepot."
Depensa ni Gutierrez, hindi niya alam na may hinaharap siyang kaso at hindi rin siya nagtatago.
Tumanggi siyang magbigay ng karagdagang pahayag, at sa korte na lang siya magpapaliwanag. — Jamil Santos/VBL, GMA News
