Isang matapat guwardya sa Daet, Camarines Norte ang na-promote bilang isang regular na empleyado matapos nito magbalik ng isang bag na naglalaman ng P1 milyon sa may-ari.

Nakita ng gwardya na si Salvador Mirandilla ang bag na iniulat na naiwan ng kapwa pasahero sa bus mula sa Daet, Camarines Norte patungong Maynila.

Nagtatrabaho bilang job order security guard si Mirandilla sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Bilang pagkilala sa kanyang integridad, pinromote ni Gobernador Ricarte Padilla si Mirandilla bilang isang regular na empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Umaasa si Padilla na magbigay inspirasiyon sa ibang residente ng probinsya ang magandang ginawa ni Mirandilla.—Mula sa ulat ng GMA Regional TV /Mariel Celine Serquiña/RF, GMA Integrated News