Isang Pinoy ang inaresto ng mga awtoridad sa San Jose, California kaugnay sa pagpatay umano sa sarili nitong ina.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang suspek na si Michael Ablaza.

Si Michael pa umano ang tumawag sa hotline 911 upang humingi ng tulong dahil nakita niya ang duguang katawan ng kaniyang ina na si Maribeth na tadtad ng saksak.

Pero sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na si Michael ang suspek sa krimen.
Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya si Michael. — FRJ, GMA News