Limang overseas Filipino workers ang napaulat na may tigdas nang dumating sa Hong Kong mula sa kanilang biyahe sa Pilipinas.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabi umano ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, na apat sa mga OFW at mga nagtatrabaho bilang mga kasambahay.
Dahil sa pangyayari, nag-abiso na ang health department ng Hong Kong sa konsulado ng Pilipinas na magsagawa ng bakuna kontra-tigdas sa mga kasambahay at mga Pinoy na magbakasyon sa Pilipinas.
Samantala, inilunsad naman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang kanilang hotline para sa mga OFW na maaari nilang tawagan.
Bukas umano ang hotline at handang tumanggap ng tawag sa loob ng 24 oras at kahit sa holiday.
Ang hotline 1348 ay para tugunan ang anumang problema o emergency ng mga OFW. Sa mga tatawag mula sa labas ng metro manila, i-dial lang ang 021348.
Sa mga international caller naman, maaring tumawag sa numerong 0632-1348. -- FRJ, GMA News
