Bangkay na at palutang-lutang nang matagpuan sa kanal ang isang nawawalang 82-anyos na Pinoy sa Torrance, California.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Francisco Candelario, na huling nakita sakay ng kaniyang mini-van noong Abril 2.

Lunes na nang matagpuan ang katawan ni Candelario sa isang kanal na mahigit limang kilometro mula sa kaniyang sasakyan.

Pagkalunod o homicide ang mga tinitingnang anggulo ngayon ng mga awtoridad.

Hinihintay naman ang resulta ng autopsy sa biktima, at forensic examination sa kaniyang mini-van. — Jamil Santos/MDM, GMA News