Masakit at sobrang hirap man, kinakaya ngayon ng isang ama na itaguyod ang apat niyang anak matapos silang iwan ng OFW na misis para sa ibang lalaki.

Sa programang Wowowin, ikinuwento ni tatay Marjon na nanghihinayang siya sa nangyari lalo't 16 taon silang nagsama ng kanyang misis.

Dumagdag pa sa nararamdaman niyang sakit ay nang dalhin ng kanyang asawa ang bago nitong lalaki sa kanilang bahay, at kinukuha pa ang damit ng bunso nilang anak.

Patuloy na nagpapakatatag ang construction worker na si tatay Marjon.

Panoorin ang madamdaming pagpapalitan nila ng mensahe ng panganay niyang anak.

—Jamil Santos/LBG, GMA News