Nadagdagan ng lima ang mga Pinoy sa abroad na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).  Dahil dito, siyam na ang kabuuang bilang ng Filipino Overseas (FOs) ang pumanaw dahil sa naturang virus, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa pahayag ng DFA nitong Lunes, sinabing 348 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na dinapuan ng virus mula sa 30 bansa at teritoryo sa mundo.

Pito na ang nasawing FOs sa Europe  matapos na madagdagan ng lima. Tig-isa naman ang nasa Asia Pacific Region at Middle East/Africa.

 

 

Nasa 111 naman ang gumaling na sa virus at 228 pa ang patuloy na ginagamot.

Pinakamaraming FOs na may COVID-19 ang nasa Asia Pacific Region na 174; sunod ang Europe na 97 kaso; 48 sa Middle East/Africa at 29 sa Americas.--FRJ, GMA News