Mula sa pagiging dating kasambahay na OFW sa Oman, nakarating ang lucky caller ng "Wowowin-Tutok To Win" sa United Kingdom sa tulong na rin ng kaniyang amo at doon na siya nakapag-asawa ng Briton.

Sa panayam ni Kuya Wil, sinabi ng dating OFW na anim na taon na siya ngayon sa UK at mayroon na silang dalawang anak ng kaniyang mister. Tanggapin pa kaya niya perang ibibigay na regalo ni Kuya Wil? Panoorin ang kaniyang kuwento.

--FRJ, GMA News