Walo katao— karamihan ay mga babaeng may lahing Asyano— ang nasawi sa naganap na pamamaril sa tatlong magkakaibang spa sa Georgia, USA. Isang 21-anyos na lalaki ang dinakip.

Apat sa mga biktima ay namatay sa pamamaril sa Young's Asian Massage malapit sa Acworth,  ayon sa Atlanta Journal-Constitution, batay sa impormasyon mula sa Cherokee County sheriff's office.

Sinabi ni Captain Jay Baker na dalawang Asian women, isang white woman, at isang white man ang nasawi,  at isang Hispanic man ang nasugatan.

Ayon naman sa Atlanta police department, na apat na babae nakitang patay naman sa dalawang establisimyento sa Atlanta, na Gold Massage Spa, at Aroma Therapy spa.

Sinabi ng pulisya sa CNN,  na ang apat na biktima sa Atlanta ay "appeared to be Asian."

Dinakip ng mga awtoridad bilang suspek si Robert Aaron Long sa tatlong insidente ng pamamaril.

"It is extremely likely our suspect is the same as Cherokee County's, who is in custody," ayon kay Atlanta police spokesman Sgt. John Chafee .

"At this time, investigators are gathering information from both scenes to determine exactly what occurred and attempting to obtain confirmed information regarding the suspect or suspects," nakasaad sa pahayag ng Atlanta police department.

Nangyari ang pamamaril sa harap ng mga insidente ng pag-atake sa Amerika o "hate crime" laban sa mga may lahing Asyano.

Kinondena na ni Pangulong Joe Biden ang naturang pag-atake sa Asian-Americans at sinabing "It's wrong. It's un-American. And it must stop." —Agence France-Presse/FRJ, GMA News