NEW YORK - Libo-libong Pinoy ang dumayo sa New York City nitong Linggo para ipagdiwang ang ika-124 na anibersaryo ng Philippine Independence Day.
Muling isinara ang ilang kalsada at ang kahabaan ng Madison Avenue sa Manhattan sa New York City para sa selebrasyon na dinaluhan ng 121 Filipino community organizations mula pa sa iba't-ibang panig ng Amerika.
Ang ika-124 Independence Day celebration na inorganisa ng Philippine Independence Day Council (PDIC) isang linggo bago ang June 12 na Indendence Day ay isa sa pinakamalaking parada ng mga Pilipino sa Amerika simula nang magkaroon ng pandemiya.
Kasama rin sa parada ang GMA Pinoy TV at ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez.
Our float is ready!
— GMA Pinoy TV (@gmapinoytv) June 5, 2022
See you at the parade for the 124th Philippine Independence Day anniversary commemoration in Madison Avenue, Kapuso abroad in New York! ???????????????????????? #StrongerTogether pic.twitter.com/8MNfLb3O5I
If you’re attending the 124th Philippine Independence Day anniversary commemoration in Madison Avenue, New York, come by our booth to get exclusive treats from GMA Pinoy TV, @gma_lifetv , @dish ! #StrongerTogether pic.twitter.com/ftvteAGZGw
— GMA Pinoy TV (@gmapinoytv) June 5, 2022
During the GMA Pinoy TV segment of the Cultural Festival, two Filipinos danced to the tune of our “Stronger Together” theme song. The winner received a cash prize and premium items from GMA Pinoy TV! #StrongerTogether pic.twitter.com/aaFlQevwQT
— GMA Pinoy TV (@gmapinoytv) June 5, 2022
Pinalakpakan hindi lamang ng mga kababayan nating Pinoy kundi maging ng mga banyaga ang mga kasapi ng Philippine Nurses Association of America na naging frontliner sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa buong Estados Unidos.
Takaw pansin naman ang makulay na kasuotan ng grupo ng mga Sinulog at Sto. Niño devotees na rumampa sa Madison Avenue.
Kasama rin sa parada ng mga tagasuporta ni incoming President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na nanawagan ng pagkakaisa para sa bagong Pilipinas.
Bahagya namang nagka-tensyon matapos pagbawalan ng PIDC ang mga militanteng grupo na kasama sa selebrasyon na batikusin ang gobyerno.
Ayon kay Rely Manacay ng PIDC, hindi ito ang tamang panahon para isigaw ang problema nila sa gobyerno dahil ito ay selebrasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.
Sa kabuuan, nagtapos nang masaya at mapayapa ang pagdiriwang ng ika-124 Philippine Independence day sa New York City. —KG, GMA News

