Hindi lang mga empleyado, kundi pamilya na ang turing ng isang Arab national sa kaniyang mga staff na Pinoy sa Bahrain. Ang isa sa mga Pinoy, paboritong gulatin ang kanilang amo.
Sa kuwentong "Dapat Alam Mo!" ni JP Soriano, sinabing kasama ng entrepreneur na si Mishal Mohamed ang limang Pinoy na nagtatrabaho sa isang flower shop sa Bahrain.
Sagot ni Mishal ang maayos na tirahan, pagkain at tamang suweldo ng mga Pinoy.
"I have friends in my shop. I like to have Filipino staff because I like good vibes, I like the way they work. They are more artistic. They have that taste in flowers. I didn't have any problems with them," sabi ni Mishal.
"The people that I hire from Day 1, they are here," dagdag ng Bahraini.
Sa lima niyang anak-anakan [empleyado], pinaka-close si Mishal kay Jolie Embid, na para na niyang BFF.
"I have a really good relationship with Jolie. When Jolie came into company, I knew Jolie already so I already have that friendly vibe. But over the years, we became like best friends. He's a pioneer, I have known him since day 1. With him, it's a deeper relationship," sabi ni Mishal.
"I love all my employees, they are all my friends, they are all my second family," dagdag pa niya.
At dahil at home na at home si Mishal sa kaniyang Pinoy staff, kinarir na rin ni niya ang mga salitang Pinoy tulad ng Tagalog at Bisaya.
Nakahiligan na rin ni Mishal ang mga Pinoy food, at paborito niya ang lumpia, pansit at Adobong manok.
Hangad din ni Mishal na makabisita siya sa Pilipinas.
"One thing I've learned about Filipinos is how to be happy. This is one thing that I am very proud of learning. They came all the way from Philippines, they left their families, their loved ones. They came here in search for jobs, a better future. But even though it's so little, they really know how to be happy. So I learned that even if you don't have anything, you can still be happy."
Mahilig din sa Tiktok si Mishal, at isa sa pinakapinanonood niyang conent ang harutan nila ng Ilongong si Jolie.
Trip na trip ni Mishal na gulatin ang kaibigang Pinoy na si Jolie.
"Hindi ako magugulating tao na magugulat ng isang tao rin. Normal lang sa akin 'yung gano'nna kailangan may reaksyon ka na amy pagkikita at mararamdaman," sabi ni Jolie.
"Si Mr. Mishal isang taong matulungin, mabait, maunawain, mapagmahal sa kapwa Pilipino natin dito," sabi ni Jolie.
Naging biyaya rin kay Jolie ang kaniyang trabaho sa Bahrain, dahil napadadalahan niya ang kaniyang pamilya ng kanilang mga pangangailangan. — FRJ, GMA News
