Nasa 100 mangingidang Pinoy ang humingi ng tulong sa Department of Migrant Workers (DMW) dahil umano sa pagmamaltrato ng kanilang manning agency.
Nagtungo sa tanggapan ng DMW nitong Miyerkules para magreklamo ang mga mangingisda na nakatakda sanang umalis sakay ng barko na patungong Indian Ocean.
Ayon sa DMW, kabilang sa reklamo ng mga mangingisda na hindi sila binabayaran ng kanilang sahod, hindi tamang bayad sa sahod, poor working conditions, irregular work hours, at pinapakain pa sila ng “expired” na pagkaian.
Inalalayan ni Atty. Geraldine Mendez, hepe ng Migrant Workers Protection Bureau (DMW-MWPB), ang mga mangingisda sa paghahain ng kanilang mga reklamo.
"Lawyers and paralegals from the DMW-MWPB were on hand to assist the fishermen," ayon sa DMW.
Ang magiging pahayag ng mga mangingisda ang magsisilbing pormal na reklamo nila laban sa kanilang manning agency. —FRJ, GMA Integrated News

