Sa loob ng susunod na limang taon, may alok na 180,000 trabaho para sa caregivers ang Taiwan na puwede para sa mga Pinoy worker.
Sa ulat ng GMA News “Unang Balita” nitong Lunes, sinabing bumababa sa nakalipas na taon ang mga aplikateng Pinoy sa Taiwan para sa caregivers.
Dahil umano ito sa kasalukuyang regulasyon ng Department of Migrant Workers (DMW), na kasama ang caregivers bilang household service workers sector.
Nasa mahigit P20,000 kada buwan ang suweldo nito at bawal ang mga recruitment agency na mangolekta ng mga fees.
Upang matugunan ang usapin, umapela ang Association of Licensed Recruitment Agencies, sa DMW na baguhin ang klasipikasyon ng caregivers bilang semi-skilled workers. —FRJ, GMA Integrated News
