Patay ang isang 60-anyos na rider nang masalpok ng isang van ang minamaneho niyang motorsiklo sa Alicia, Isabela.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa national highway na bahagi ng Barangay Paddad nitong umaga ng Huwebes.

Sa CCTV footage, makikita na nag-overshoot ang motorsiklo palabas sa intersection ng national highway hanggang sa mahagip na siya ng paparating na van.

Dinala sa ospital ang pero nasawi rin dahil sa matinding pinsala na tinamo sa ulo at katawan.

Ligtas naman ang nakasakay sa van, na ayon sa pulisya ay nangakong magbibigay ng tulong pinansiyal sa naulilang pamilya ng rider.

Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng nasawing rider at maging driver ng van, ayon sa ulat. – FRJ GMA News