Nagtamo ng sugat sa ulo ang dalawang-taong-gulang na bata matapos siyang kagatin ng unggoy sa Pidigan, Abra.
Sa ulat ng GMA News TV's "QRT" nitong Miyerkules, sinabi ng ina ng biktima na naglalaro ang kaniyang mga anak nang bigla na lamang itong sunggaban ng unggoy at kinagat sa ulo.
Kaagad na dinala sa ospital ang bata para magamot ang sugat at mabakunahan ng anti-rabies.
Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na nangakat ang unggoy na alaga umano ng kanilang kapitbahay.
Hindi pa umano nagbibigay ng pahayag ang may-ari ng unggoy sa nangyaring insidente. -- FRJ, GMA News
