Nananatiling lubog sa baha ang ilang lugar sa Isabela City sa lalawigan ng Basilan, sanhi ng malalakas na ulan na dala ng bagyong Agaton.
Sa Barangay Baluno, hanggang bewang na ang lalim ng tubig-baha, at nagbabangka na ang ilang residente doon.
Isabela CDRRMO photos
Patuloy ang ginagawang monitoring ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Isabela.
Pinapayuhan ng CDRRMO ang mga residente na maging alerto dahil sa biglaang mga pagbaha.
Wala pang isinasagawang sapilitang paglikas sa ngayon, ngunit handa na ang evacuation centers sakaling kailangan nang e-evacuate na ang mga residente. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News



