Sugatan sa pamamaril sa mismong burol ng kanyang asawa ang isang 57-anyos na ginang sa Vintar, Ilocos Norte nitong Lunes ng madalinga raw.
Sa ulat sa Unang Balita, nakilala ang biktima na si Teresita Zuniga, residente ng Barangay San Ramon.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng lalaki na bumaril kay Zuniga.
Ayon sa pulisya, nagkunwaring nakikipaglamay ang salarin sa burol ng asawa ni Zuniga.
Nakita pa ito ng mga saksi na umupo saglit at sumilip sa bangkay.
Paglabas ng bahay, pinutukan ng salarin si Zuniga sabay takas at sakay sa isang nakaabang na motorsiklo.
Suwerteng sa paa lamang tinamaan ang biktima.
May ilang saksi ang nakakita sa mukha ng salarin, ngunit hindi siya kilala sa lugar.
Ang hinala ng mga pulis ay may kaugnayan ang pamamaril sa mamanahing lupa at bahay ni Zuniga. —ulat mula kay Dennis Gabriel Alipio/ALG, GMA News
