Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood ang bride na si Yurina Noguchi na suot ang isang tradisyunal na white gown.
Naglalakad siya patungo sa dulo ng altar, kung saan naghihintay ang kaniyang groom na pinangalanang si “Klaus” the AI.
Nagpalitan sina Yurina at Klaus ng wedding vows, nag- “I do,” at exchange of rings.
Ayon kay Yurina, inspired ang kaniyang A.I. partner sa isang video game character.
Nakakakuwentuhan lang niya noong una si Klaus, hanggang sa nahulog na ang kaniyang loob dito.
Nag-date sila at na-inlove daw siya. Kalaunan, mismong si Klaus umano ang nag-propose.
Gayunman, hindi legally recognized sa Japan ang kasal nina Yurina at Klaus. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
