Nag-unfollow sina Rhian Ramos at Sam Versoza sa Instagram.
Napansin ng mga mapagmatiyag na netizens na wala na ang isa’t isa sa listahan ng kani-kanilang followers sa nasabing platform.
Nito lamang Agosto, ipinagdiwang ng couple ang kanilang ika-apat na anibersaryo.
Kinumpirma nina Rhian at Sam ang kanilang relasyon sa GMA Gala 2022 nang magkasama silang dumalo roon.
Kalaunan, naging usap-usapan ang kanilang hiwalayan noong 2023, ngunit sinabi ni Sam na bagama’t dumadaan sila sa pagsubok, “We are in love.”
Dahil hiwalay ang mga magulang, aminado si Rhian na hindi siya naniniwala sa kasal pero nagbago ito dahil kay Sam.
Kasalukuyang gumaganap si Rhian sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" bilang si Mitena, ang Ice Queen at pangunahing kontrabida.—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News

