Malaki ang pasasalamat ng isang pulis sa isang barangay tanod sa Corcuera, Romblon, matapos nitong ibalik ang kaniyang sling bag na naglalaman ng aabot sa P100,000.
Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, nakilala ang tapat na barangay tanod na si Joseph Fetalvero.
Ayon sa ulat, natagpuan ni Fetalvero ang bag sa kanilang barangay, na naglalaman din ng mahahalagang dokumento ng pulis.
Agad itong dinala ni Fetalvero sa police station. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News
