Patay ang isang security guard matapos siyang barilin sa ulo ng lalaking kaniyang tinapik-tapik sa isang karinderya sa Bacoor, Cavite.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Joselito Zaragoza, na naka-off duty nang mangyari ang insidente.

Sa kuha ng CCTV, makikitang kumakain ang suspek na si alias "Andy Obong" nang lapitan siya ni Zaragoza at tinapik-tapik.

Maya maya pa, binunot na ng suspek ang baril sa kaniyang tagiliran, ikinasa sa ilalim ng mesa, at pinaputukan ang biktima.

Muli pang pinaputukan ng suspek si Zaragoza habang nakahandusay ito.

Agad nakatakas ang suspek na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News