Naaresto ang isang pari sa Dumaguete City dahil sa isang bomb joke, ayon sa ulat sa Unang Balita.
Ayon sa saksi, nakiusap daw ang pari sa airport staff na huwag nang tingnan ang dala niyang hand carry bag dahil wala naman daw itong bomba.
Doon daw nag report ang saksi sa cabin crew at tumawag ng pulis.
Nang dumating ang mga awtoridad ay pinababa ang mga pasahero ng eroplano para mag inspeksiyon.
Hinuli ang naturang pari. Pero hindi ibinunyag ang pangalan ng naturang pari.
Pinayagan lang makabiyahe ang mga pasahero nang matiyak na negative sa bomba ang naturang eroplano.
Ayon sa Presidential Decree 1727, pagkakakulong ng hanggang limang taon at hindi bababa sa P40,000 ang multa sa sinumang mapapatunayang sangkot sa bomb jokes. — BAP, GMA News
