Patay ang isang OFW mula sa Saudi Arabia nang pagbabarilin sa harap mismo ng kaniyang bahay sa Batangas pagdating na pagdating niya galing sa airport.
Sa ulat ng Super Radyo dzBB nitong Linggo, kinilala ang biktima na si Danilo Henson, 57, residente ng Barangay Pinagkawitan sa Lipa City.
Nangyari ang pamamaril pagdating na pagdating niya mula sa Ninoy Aquino International Airport kagabi, ayon sa ulat.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival sa pagamutan.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang krimen. —LBG, GMA News
