Patay ang dalawang riders sa pagsalpok ng dalawang motorsiklo sa isang van sa Oriental Mindoro.

Iniulat sa Unang Balita nitong Huwebes na sinubukan ng dalawang motorsiklo na mag-overtake sa isang sasakyan sa highway sa may bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro, nungit nabulaga sila sa kasalubong na van.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinubukan pa ng van driver na iwasan ang dalawang motosiklo ngunit huli na umano.

Sunod-sunod na sumalpok sa van ang mga motorbike.

Dead on the spot and rider ng isang motorsiklo at namatay naman sa pagamutan ang angkas nito.

Samantala, sugan naman ang rider at angkas ng isa pang motorsiklo na sumalpok din sa van. Sugatan din umano ang driver ng van at ilang mga sakay nito, ayon sa ulat. —LBG, GMA News