Dead on the spot ang dalawa sa 14 na sakay ng isang L300 van sa karambola ng sasakayan sa bayan Atimonan sa lalawigan ng Quezon maaga nitong araw ng Linggo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naipit ang van sa pagitan ng dalawang truck sa askidente sa Maharlika Highway sa Baragnay Sta. Catalina dakong 3 a.m.
Photo Courtesy: BFP Atimonan/MDRRMO
Patungo sana sa Bicol ang van at ang dalawang truck at nasa pababang bahagi na ng highway ang tatlong sasakyan nang mawalan umano ng preno ang truck na nasa likod ng van kung kayat nasalpok ito.
Sa tindi ng pagsalpok ng truck sa likod, bumangga ang van sa sinusundan nitong isa pang truck at napit-pit ito sa gitna.
Pahirapan ang isinagawang rescue operation ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Atimonan na tumagal ng halos isang oras.
Naipit sa loob ng van ang mga sakay nito, at naipit din ang driver at dalawang pahinante ng truck na bumangga sa van.
Isinuod kaagad sa pagamutan ang mga sugatan. Kritikal ang kondisyon ng apat na na sakay ng van.
Ayon sa PNP Atimonan, galing Pasig ang mga sakay ng van at patungo sana sa Camarines Norte upang dumalo ng birthday party.
Hawak na ngayon ng PNP Atimonan ng driver ng truck na bumangga sa van. Ayon sa driver ng truck na si Elmes Gomez, nawalan sila ng preno kung kayat sumalpok sila sa van. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News



