Natagpuang wala nang buhay at nakabalot sa isang cellophane ang babaeng sanggol na iniwan malapit sa isang imburnal sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Sinabi ng health officer ng lungsod na bagong silang ang sanggol, ayon sa Unang Balita nitong Miyerkoles.

Natagpuan ang sanggol ng isang habal-habal driver.

Inilibing na ang sanggol ng mga awtoridad. —LBG, GMA News