Patay sa pananaksak ng kaniyang anak ang isang lalaki sa Roxas City sa lalawigan ng Capiz.

Sa ulat ng Unang balita nitong Huwebes ng umaga, sinabing tadtad ng saksak ang katawan ng biktima, na siyang ikinamatay nito.

Agad namang inaresto ang suspek sa krimen na anak mismo ng biktima, at inamin nito ang krimen.

Pahayag ng suspek, na hinihinalang may problema sa pag-iisip, nagawa niyang saksakin ang kaniyang ama dahil ikinadena siya nito.

Ayon sa mga pulis, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na may problema sa pag-iisip ang suspek. —LBG, GMA News