Apat ang nasawi sa banggaan ng apat na sasakyan sa Maharlika highway sa Santo Tomas, Batangas nitong Lunes ng umaga.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali," sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na unang nagbanggaan ang isang trailer truck at kasalubong nitong bus.
Sa lakas ng banggaan, natamaan naman ng bus ang isang tricycle at nadamay ang kasunod na kotse.
Apat ang nasawi sa naturang disgrasya, at isinugod naman sa pagamutan ang mga nasaktan. --FRJ, GMA News
