Trahedya ang sinapit ng isang 18-anyos na babae sa Angat, Bulacan na lumabas lamang ng bahay para makasagap ng signal ang kaniyang cellphone.



Ayon sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Miyerkoles, sinabing biglang niyakap umano ng suspek na si Alex Santiago ang biktima bago puwersahang dinala sa apartment at doon hinalay.

Pero itinanggi ng suspek ang paratang at iginiit na may relasyon sila ng biktima.
Dagdag niya, ang biktima rin daw ang kusang nagtungo at pumasok sa kaniyang bahay.

Pinabulaanan naman ng dalaga ang sinabi ng suspek at sinabing itutuloy ang reklamo laban kay Santiago.

Ayon pulisya, hindi dapat na pinipilit ng lalaki ang babae na makipagtalik kahit pa ang magkarelasyon.-- Llanesca T. Panti/FRJ, GMA News