Ikinasal na si Mikoy Morales sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Isa Garcia.

Sa Instagram, nagbahagi ang Sparkle GMA Artist Center ng ilang kuha mula sa kasal nina Mikoy at Isa na ginanap sa St. John Bosco Parish Church sa Makati City nitong Sabado.

Kabilang sa mga dumalo ang mga kaibigan ni Mikoy sa showbiz tulad nina Juancho Trivino, Chariz Solomon, John Feir, at kaniyang best woman na si Mikee Quintos.

Na-engaged sina Mikoy at Isa noong Pebrero 2025. Kalaunan, inihayag ni Mikoy na lumikha siya ng isang pekeng pelikula at nagplano ng "premiere night" para mag-propose kay Isa.

Kasalukuyang napanonood si Mikoy bilang si Agnem sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre," tuwing 8:05 p.m. pagkatapos ng "24 Oras." —Jamil Santos/Jade Veronique Yap/VBL GMA Integrated News