Kinaantigan ang tagpo ng isang lolang tricycle driver na emosyonal matapos siyang abutan ng kaniyang pasahero ng dobleng halaga ng pang-full tank sa gitna ng pagmamahal ng petrolyo.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, itinampok ang video ni Mervin Pescasio Lamoco, na inabutan ng pera ng isang lolang tricycle driver.

Inilarawan ng uploader na si Lamoco ang mga rider at tsuper bilang mga tunay na bayani ng kalsada.

Ayon sa kaniya, saludo siya sa mga kagaya ni lola, na patuloy na namamasada para sa pamilya ngayong nagtataasan ang presyo ng langis.  —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News