Arestado sa Quezon ang 37-anyos na lalaki dahil panggagahasa sa batang siyam na taong gulang na inampon ng kaniyang ina, ayon sa ulat ni Emil Sumangil sa "24 Oras" nitong Lunes.

Papasakay na raw ng bus ang suspek patungong Maynila nang madakip ng pinagsanib na puwersa ng Quezon at Cavite criminal investigation and detection group provincial field unit.

Dahil walang masyadong tao sa Lucena Grand Terminal nang isagawa ang operasyon, madaling naaresto ang suspek na kinilalang si Nilo Espares Cabalatungan, na haharap sa 46 counts of rape.

Kabilang din si Cabalatungan sa most wanted list ng Cavite.

Nabunyag lamang ang dalawang taon nang pagsasamantala ng suspek nang mapansin na hindi pangkaraniwan ang ikinikilos ng batang biktima, na epekto raw ng naranasan niya.

Isinailalim na sa counselling ang biktima at nasa kustodiya na ngayon ng iba pang kaanak. —Joviland Rita/NB, GMA News