Patay ang isang pulis sa pananambang sa Talisay City, Cebu nitong Miyerkoles.
Sa ulat ni Gabriel Bonjoc ng RGMA-Cebu sa Super Radyo dzBB, kinilala ang biktima na si Corporal Mikie Espina.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, tinambangan si Espina ng mga armadong kalalakihan sa Talisay City.
Hindi na umabot na buhay sa ospital si Espina na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.
Si Espina ay nakatakda na sanang ilipat sa Masbate, matapos siya umano masangkot sa iligal na droga.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang krimen. —LBG, GMA News
