Isang lalaki na nagtatrabahong maintenance worker sa isang peryahan sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao ang naputulan ng binti matapos siyang masagasaan ng roller coaster.
(Paalala, maselan ang video)
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na kinukumpuni ng biktima ang track ng roller coaster ride kahit na umaandar pa ang sasakyan.
Nang nagpunta ang biktima sa riles, hindi raw nito namalayan ang biglang pagdating ng roller coaster at nahagip ang biktima.
Nagpapagaling na ang biktima, habang tumanggi namang magbigay ng pahayag ang operator ng peryahan. --FRJ, GMA News
