Natagpuan ang bangkay ng isang 13-anyos na babae sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na tadtad ng taga ang katawan at putol pa ang dalawang paa.
Nakilala ang biktima na si Bai Tayan Abas Datuteng, na natagpuan ang bangkay hindi kalayuan sa kaniyang tinitirhan sa Barangay Semba.
Una na umanong iniulat na nawawala ang biktima nang hindi ito makauwi sa bahay ng kaniyang tiyuhin.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at mayroon na umano silang person of interest.-- FRJ, GMA News

