Nasaksak ng espadang gawa sa kawayan ang maselang bahagi ng katawan ng isang batang lalaki sa Balut Island, Davao Occidental.

Ayon sa ulat sa GMA "Saksi" nitong Lunes, naglalaro ang 8-anyos na biktima nang mangyari ang aksidente.

Dahil limitado ang medical equipment sa isla, walong oras pang ibinyahe ang biktima patungo sa isang ospital sa General Santos City.

Matagumpay namang natanggal ang kawayan sa kaniyang ari.

Nagpapagaling na sa ospital ang bata. —Dona Magsino/LDF, GMA News