Hindi pinatawad ng ilang kandidato ang tanyag na Banaue Rice Terraces sa Ifugao at tinirikan din nila ito ng kanilang placards.

Sa ulat ng GMA News TV "News To Go" nitong Huwebes, makikitang  itinayo ang ibang placard sa gitna pa mismo ng mga palayan.

Naiulat na ito sa Commission on Elections (Comelec), na sinabing puwede lamang maglagay ng mga campaign poster sa mga itinalagang common poster area.

Idineklara ang Banaue Rice Terraces bilang isang UNESCO World Heritage Site. —Jamil Santos/LBG, GMA News