Dead on the spot ang isang magsasaka sa Barangay Mapulot, Tagkawayan, Quezon matapos itong tamaan ng kidlat habang naglilinis ng kanyang lupang sinasaka pasado alas-kwatro ng hapon noong Miyerkoles.

Sunog at nagkapunit-punit ang suot na damit ng biktimang kinilalang si Niño Melgarejo, 39.

Photos by Peewee Bacuño

 

Nasunog din ang bahagi ng katawan ng biktima.

Ayon sa asawa ni Niño, hindi naman raw umuulan nung kumidlat. Mainit raw ang panahon pero bahagyang makulimlim. Kasabay raw ng kidlat ang malakas na kulog na talagang gumulat sa kanilang lahat.

Hindi na nagawang isugod pa sa pagamutan ang biktima dahil may kalayuan ang lugar.

Naulila ng biktima ang kanyang apat na anak na pawang mga bata pa. Nagpaabot na ng tulong ang may ari ng lupang sinasaka ng biktima. —LBG, GMA News