Nauwi sa engkuwentro ang operasyon ng mga awtoridad sa Calamba, Laguna nang manlaban daw sa halip na sumuko ang mga suspek na kanilang aarestuhin.

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News TV 'Quick Response Team" nitong Huwebes, madidinig ang sigawan at putok ng mga baril nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bahay.

Nang tumigil ang putukan, patay ang dating traffic enforcer na si Jesus Teñido at isa pang lalaki na si Alyas Long Hair.

Nadakip naman ang kasamahan nilang si Wilson Valencia.

Bukod sa tatlong pakete ng hinihinalang shabu, may mga bala,

Sa Dasmariñas, Cavite, inaresto ang barangay tanod na si Jaime Damiao, na rumaraket umano sa pagtutulak ng droga.

Nang mahuli sa buy-bust, iginiit niya gumagamit lang siya at hindi nagtutulak ng droga.-- FRJ, GMA News